Recently, naging viral sa facebook yung video ng lalaking tumalon from 27th floor ng isang condominium, hindi ko nga tinapos yung video, hindi ko matapos, nung nakita kong tumalon na sya stop ko na agad yung video tapos natanong ko na lang sa isip ko 'gano kaya kalaki problema nya?' Naawa ako sa kanya kasi kahit hindi ko natapos ung video alam ko deads na sya, pero nainis din ako sa kanya kasi bakit kelangan nya pang magpakamatay. Hindi naman sa nagiging judgmental ako pero etong buhay na meron tayo ngaun hindi nmn talaga to satin, pinahiram lang satin toh ni God, take note PINAHIRAM meaning we don't need to beg or ask pero binigay Nya satin yung chance na makita ang mundo, na mabuhay, na makalakad, na makakain ng chocolates, makapag-asawa, kumain ulit ng masasarap, lahat ng chance binigay Nya satin by giving us the gift of Life tapos sasayangin lang natin, hindi na ba tayo nahiya na nagkakasala na nga tayo pero pinapatawad pa rin tayo tapos magpapakamatay pa, medio hard na di ba? Kung depressed ka at gusto mo nang saksakin sarili mo madami namang ways para madivert at pag iisip mo, pwede kang magpatugtog todo mo pa volume, kumain ka ng chocolates, mag ayos ka ng maduming kwarto mo, awayin mo syota mo, manuod ka ng Gandang Gabi Vice o kahit anong trip mo na makakapagpatawa sayo pero bago mo gawin lahat ng yan pinakaeffective is magpray ka for peace of mind and strength, instant naman si God eh, ask ka lang nanjan agad. Masaya ang buhay. Masarap mabuhay. Isipin na lang natin yung mga taong hindi nabigyan ng dalawang paa pero kayang lumakad sa buhay, mahiya naman tayo sa mga taong walang paningin pero nakikita pa rin nila ang halaga ng buhay, God made us all with a purpose, He always walks with us, He sees everything even our greatest pain and He will never leave us nor forsake us because He loves us more than we can imagine. Ayun lang naman ang gusto kong sabihin.
Actually, sarili ko talaga kausap ko sa blog ko na toh, share ko lang sainyo.
Hold On Pain Ends. Jesus loves you