Just lessons learned.

Just lessons learned.

Saturday, 29 September 2012

Casino

"Ipahiram mo skin yung chips mo,papalaguin ko"

Sige, susugal ako. Hindi nmn ako seryoso, laro lang toh, manalo o matalo madami pang ibang casino, madami pang nakaabang n pwedeng makalaro. -- yan ang sagot ko sa isip ko sa lalaking sumubok ulit ipasok aq sa isang sugal na matagal ko ng tinalikuran.

------------------------------------------

Ang boring ng gabe, tutok ang mata sa laptop, may lumabas sa news feed ng facebook website, may ngpost ng lyrics ng kanta na paborito ko nung elementary pa ata ako, ayos ah, mailike nga! Basa basa ulit sa news feed, bglang my tumunog! My ng chat, killa ko lng sa muka, hindi pa nga yata. Sige bored naman ako, tara chat tayo! Masaya kausap, may kabuluhan, hindi lang puro yabang. Nagyaya sya mgvideo call sa ym, hindi na un uso sakin, skype lang gamit ko, pumyag nmn sya. Mas lalong naging masaya ang usapan! May naganap pa talagang kantahan! Okay 12am na kelangan ko ng magpahinga, pero mas kelangan nya pala ksi sknya 7am na! Oo nga pala magkaiba nga pala kami ng planeta...

Kinabukasan, online nanaman sya (lagi naman pala talaga xang online hindi lang talaga kami ngppansinan) ngpm ulit sya, hanep! Close na agad kami! Tapos kinabukasan pa ulit, ung sumunod pa, ung sumunod pa ulit, sa madaling salita araw araw, walang patid! Magaling din sya dumiskarte, mabilis pero alam kung kelan pepreno para hindi masusubsob. Umamin sya ng nararamdaman, na obvious n obvious naman, ako? Kinikilig na, pero uncertain pa, madami ako kalaro eh, ng eenjoy pa ko pero bigla na lang, hindi inaasahan, hindi ko alam pano, saan, kelan pero sinisigaw na ng puso ko sya na ang nangingibaw! Kelangan ko ng umayaw sa ibang mga kalaro ko, nakakaramdam ako ng isang tunay at seryoso, nakakatakot, nakakakaba pero dinadala ako sa alapaap kapag kausap ko sya. Ligawan na ba? Wala na! Usong uso PBB teens nun, xempre makikiuso na lng kami, engaged agad sa facebook! Pero hindi nga talaga magiging madali ang pumasok ulit sa isang bagay na minsan ka ng sinaktan. Bumalik lahat ng takot! Lahat ng sakit, pero magaling syang gumamot, salita nya pa lang napapakalma na ko. Kelangan ko n talaga mgdesisyon,, masaktan na masasaktan pero sya na ang pinili ko. Nasakanya na lahat lahat ng chips ko, hindi lang pinahiram, binigay ko pa, sige ikaw na bahala.

Lumilipas ang araw, lalong nagkakakilala pati ngiti ng bawat isa alam na kung tunay o made in china. Sa paglipas din ng araw yung pangungulila tumitindi na, yung eagerness na mahawakan kahit man lang sana dulo ng daliri ng bawat isa. Seryoso na nga talaga, level up ang pagpplano sa future, ang pag aalaga sa bawat isa, ang pagmamahal n pinapadama lahat ng level up. Normal kaming magjowa, madalas rn kmi mag away na kawawa ang laptop dahil sya tagasalo ng mga sampal ko. Na halos gusto namin liparin ang isat isa maayos lng lahat. Mga away na napakasimple pero lumalake kasi abnormal akong babae at normal syang lalake na kalma lang lge mag isip. Mga away na nauuwi na rin mnsan sa iyakan pero hindi naman pnbbyaan na tumatagal.

Date? Monthsary? Kiss? Hug? Hatid-sundo effect? Pray? Inuman? Nagagawa din nmin yan! Kahit sa harap lang ng cam lahat, nangingibabaw pa rin yung tunay na pagmamahal. Yung malaking tiwala na binigay sa bawat isa, yung pag asang pinanghahawakan na balang araw hindi na kmi maghihiwalay. Nakakalungkot, nakakamatay pag may mga araw na hindi ko maintindihan kung ano nararamdaman ko, gusto kong magimbento ng teleporter madala ko lang katawan ko kung nsan sya, kahit 30mins lang! Solve na! Kaso wala talaga kundi nganga.

Ngaun,wala na kami sa casino, pero masaya ako na sumugal ako, masaya ako na sya ang kasama ko, masaya ako sa lahat ng ginagawa nya para sakin, sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Ibang klase, hindi kapanipaniwala yung gantong relasyon pero nandito ako, isa sa mga taong nasa pamatay na 'long distance relationship' oo nakakamatay pero salamat magaling syang umalalay!
Masaya ako na may 'tayo'. Masaya ako sa pagmamahal mo, sa pag aalaga mo, sa lahat lahat sayo!

Sayo na chips ko! Panalong panalo na ko :)


No comments:

Post a Comment