Just lessons learned.

Just lessons learned.

Friday, 23 November 2012

SOMEWHERE I BELONG...in CHRIST alone

I had nothing to say and i get lost in the nothingness inside of me. But then i realized there is SOMEONE watching over me, HIS love endures forever.
Yes. My brain is empty, my body is weak. I'm down and troubled. I'm sick and I'm tired. Tired of what? I don't know. Sick of life but not of living. I still want to live but i hate this life. Do you get me? Of course you don't. It's only me. The fault is my own, yes! The fault is my own.

How to survive life?
Iiyak mo lahat hanggang pati baga mo lumabas na sa mata mo. Ang sarap umiyak mag isa. Habang tinatawag si Mama. Somehow, gumaan pakiramdam ko. I prayed...

Life is HARD. Alam na siguro yan ng lahat ng tao. Iba lang din talaga utak ko, sa sarili ko alam ko yun. Ayoko lang muna ngaun na tinitignan ako ng mga tao. Ang hirap mag isip pag wala kang utak. Ang hirap magplano pag di mo alam ano ba talaga gusto mo. Ang hirap tignan ng mga kaibigan na nasasaktan para sayo. Pano ko masasabing 'wag nyo ko intindihin, ok lang ako' kung alam kong malaking insulto yun sa para sa mga kaibigan ko? Lahat daw ng tao my kanya kanyang swerte, alam ko yun, date na kong naniniwala dun. Alam ko rin na swerte ako dahil buhay. Mga additional swerte ko? :

  •  kumpleto katawan ko, 
  • nakapag aral ako, 
  • mataba ako ibig sabihin nakakakain pa ko,
  •  may magulang kapatid pamilya ako
  • marami akong kaibigan
  • nsa London ako, may winter depression nga lang
  • at marami pa alam ko...
Pero pano ko iiwasan yung mga panahon na ganto nararamdaman ko? Na pakiramdam ko black bag nalang kulang sakin pwede na ko pick upin sa Friday  at itapon (sana sa recycling ako masama). FAITH. I know God is EVERYTHING, He is my/our Redeemer, our Strength, our Life. I know He is there. Ako lang hinhintay Nya.

At the moment, I have nothing but negativity. Pero ayokong magpatalo, I wanted to push harder in this LIFE. Gusto ko malaman san ako dadalhin ng agos ng buhay. Mahirap pero eventually it will come to pass. Do i make sense at all? Ang sinasabi ko lang, KAYA KO toh! Kakayanin ko kasi kung ang battery nga my positive energy, ako pa kaya na tao!  Gusto ko makarating sa gusto kong puntahan, somewhere I belong. And I believe God wants me to be there in the right time with the right faith. God never promise a hard life, He wants me to be happy, successful, rich, fruitful and to be a blessing. All these trials will come to pass. I will live a happy life together with all my loved ones. Together with CHRIST. Oo, fcuk the demons! Saying all these lies into my mind! Mga demonyong bumubulong sakin na wala akong mapupuntahan! Kampon ni satanas na nagsasabing isa akong talunan! FYI! I am a winner! I am a child of GOD! My God is a faithful GOD! I am a CHRISTian! I should be walking by FAITH and not by sight! And i declare restoration for my whole human being! I declare renewal of strength, renewal of heart! And as I was praying here in my blog my tears were over flowing, pero promise! This is one of the best feeling in this world! Yung iconfess mo ang kahinaan mo in a different way but deep down in my heart I know I'm praying. And I know HE is listening. 

LIFE is hard, if you will make it hard. Life is like an egg, you can make it hard-boiled, soft-boiled or medium. And it will always be our choice, so Aubrey Mae Diaz Aguilar (ako yan) always choose GOD and always live life to the fullest. Be a winner! Dream, Believe, Survive! 

Bigla kong naisip sana sumali ako sa starstruck,maybe, somehow that is where I belong as well.

Tuesday, 20 November 2012

She.

Pag nag walk out siya, habulin mo.
Pag tinitignan niya lips mo, halikan mo.
Pag tinulak ka niya, yakapin mo at wag kang bibitaw.
Pag sinumpa ka niya, halikan mo at sabihin mong mahal na mahalmo siya.
Pag tahimik siya, tanungin mo kung anong ayaw niya.
Pag nakikita mo siyang pagod na pago, sabihin mo sakaniya na maganda siya.
Pag umiiyak siya, wag kang magsasalita at yakapin mo lang siya ng mahigpit.
Pag nakikita mo siyang naglalakad, magtago ka at gulatin mo sabay yakapin mo siya sa likod.
Pag natatakot siya, protektahan mo.
Pag sinandal niya ulo niya sa balikat mo, taas mo ulo niya at ikiss mo sa ilong.
Pag inaasar ka niya, asarin mo rin siya hanggang sa magtawanan kayo pero siguraduhin mong hindi siya mapipikon.
Pag di niya sinasagot ng matagal, siguraduhin mong ayos lang siya.
Pag tinignan ka niya nang may kasamang pagdududa, sabihin mo sakaniya ang totoo at wag na wag kang magsisinungaling.
Pag sinabi niyang mahal ka niya, nagsasabi siya nang totoo at galing sa puso niya.
Pag kinuha niya kamay mo, hawakan mo rin kamay niya.
Pag nagsabi siya sayo ng sikreto, ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya na wag mong sasabihin kahit kanino.
Pag tinignan ka niya sa mata, wag kang lilingon hangga’t di siya lumilingon.
Pag namimiss ka niya ng sobra, nasasaktan siya at iparamdam mo sakaniya na kahit di kayo magkasama siya parin ang laman ng isip at puso mo.
Pag nasaktan mo siya, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya.
Pag sinabi niyang ayaw na niya, gusto ka parin niyang maging sakaniya.
Tawagan mo siya bago ka matulog at pag gising mo.
Wag kang matutulog hangga’t di siya nakakatulog lalo na pag may sakit siya.
Panuorin niyo ang paborito niyang movie kahit na ayaw mo.
Hayaan mong suotin niya ang damit mo.
Patunayan mong importante siya sayo.
Halikan mo siya sa ulan.
At higit sa lahat, wag na wag kang magsasawa sakaniya at tratuhin mo siya na parang prinsesa mo para tratuhin ka rin niyang parang prinsipe niya. ♥

Friday, 5 October 2012

NIGHTMARE!


  • naranasan mo nb ung feeling na baliw na baliw kana? halos ihampas mo na lahat ng mahawakn mo sa hita braso mo para lng kht ppno madivert yung pain sa puso mo mrrelease mo sa katawan mo? nkkpgisip kna ng kng ano ano.. lht ng mura nasabi mona..
  • pti pader hnd ko n cnsanto... baliw na ko e... sarap b nmn e.. pkrmdm ko mg isa ako sa mundo.. hnd ko na alm ano ggwin ko, 2 cp ko naka auto redial kumukontak sau... kng nkkpgsalita lng cla pngmmura na cguro ako, halos mapaos na kkaring.. tang ina ano bng ggwin ko, lumabas ako, bumili aq sa off license 2 beer.
    hnd na ko ngyyosi napabili n rin ako...grabe... nabaliw ulit ako... di ko akalain mngyyre at mrrmnsan ko nnmn toh... dto pa sa lecheng malayong lugar nato!! swerthan lng noh...umuwe aq, still hoping n ssgot yung tntwagan.... wala talaga.... tang ina... ayoko na...ininum ko yung beer isang inuman lng halos nakalahati ko.. yosi aq sa kwarto.. wala ako pkialam kung pagalitan aq ni mader, hilo na ko... shit ang skit, paa ko nmn hnhampas ko!!! klngn ko ng kausap!!! or else mpptay ko sarili ko!! kung cnu cnu kinausap ko!! kung cnu cnu pniem ko! walang kwenta.. pero atleast my npgllbasan aq ng sama ng loob ko!! pti ung taong hnd ko dpt kinakausap nkausap ko!! lalo tuloy aq nasupalpal!! baka nga karma toh, pero ayoko mnwala na gaguhan toh! oo karma matatanggap ko!! pero yung gaguhan??? tang ina.... baka kahit may apo na ko hnd ko pa rin matatanggap na gaguhan lng toh!
    shot pa!wasted nga e db?naubos ko na isang beer, lumalas na sa mata ko!! prang gripo... hindi na ko makahingga!! kelangn ko mgrelax.. kht wala na kong kausap.dial pa rin ako.. punyeta... cge asa pa rin ako!!!ow shit hnd n tlga normal toh...
    kelangan ko lumabas, maglakad, mgpahangin...ngbihis aq, ngscarf, pinunasan ko mga luha ko, inawan ko cp ko para kug my mngyyre mn skin atleast safe iphone ko, pangalaw ko n yan e.. isa pa umaasa aq n pgbalik ko gcng n ung hnhntay ko...shit.... ang lamig... tagos sa backbone ko! ngyelo ata pati mata ko,buti nrn para hnd na ko emo n mg iiyak hbng ngllkad... pumasok aq dun sa mdilim n eskinita, shrt cut ppnta sa park, walang laman icip ko, puro bkit lng at pno... un lng... bakit at pano...nsa tapat na ko ng park, ow shit nnmn sarado na.. madlim na sobra, san ako ppnta? pti ba nmn sa pghhnp ng ppntahn malas ako? tang inang buhay tlga toh... bukod dun naalla ko pa mga knkwento skin na mrming nrrape sa park plus yung bangungot ko knna na may gs2ng mngrape skin... sa pag iisip ko n yun hnd ko nmlayan halos 15mins dn pla aq ktayo sa tapat ng gate ng park n yun, ng iisip na hnd aq safe dun...
    natauhan ako, kaya ako lumabas para marelax, pero bkit nndun p rin aq npnta sa tapat ng gate ng madilim n park na yun, tigas ntlga ng bunggo ko..san aq ppnta n2? nsa bulsa pla ng jacket n suot ko debit card ko, ok cge foodtrip nlng ako.. as in lamon ggawin ko.. ngaun nmn san ako kkain yan nmn tanong ng isp ko...sa mcdo nlng....habang palakad sa mcdo, naisip ko ung cnbi skn ng isang kausap ko knna "dont compare, mgkaiba silang tao, isa lng ang hnd ng iba,its u aub,gnyan ka pa rin pnpaikot mo pa rin mundo mo sa kanila"shit x3, oo nga... ako ang my problema... tanga pa rin ako... ako pa rin ung aub n hnd mrunong mgkontrol ng emotion.. ako p rin ung aub n kung maahal todo todo bigay lahat pati pato, sama mo n panabla todo na talaga...ako p rin ung aub na mahina pg dting sa gantong bagay.. mali ako na akala ko malakas na ko..ako pa rin ung aub na takot mawalan, takot mag isa, takot maiwan, takot mareject, takot sa lahat..ako p rin ung aub na hnd marunong mgbalanse kng ano ang dapat ano ang kelangan ano ang bawal.. ako p rin toh.. walang ngbago.. tanga pa rin ako...walang ibng dpt cchin dito kundi ako..asan na ung mcdo? tang ina lagpas na ko.. cge kfc nlng ako...pasok aq sa kfc, shit nnmn pang apat na shit na toh o higit pa, ginutom ako, fully loaded agad inorder ko, plus my 2 wrap pa,isang bbq isang chili!fight!!!ang sarap kumain shit again!!! heaven! lalo pag galing ka sa kabaliwan... tang ina bawat subo ang sarap... bgla ako napatigil, 'pag uwe ko kya gcng n xa?' tang ina nmn!! ikaw nmn pumasok sa isip ko!!! sagot ko sa isip ko, pbyaan mo na xa matulog... kung my txt na xa, kausapin mo, kung wala pa, nganga k nlng ulit...
    ang sarap tlaga ng chicken ng kfc.. mdio gumaan ulit pkrmdm ko, my konting positive energy na pumasok sa katawng lupa ko!napaisip ako, npkaironic tlga ng mundo.. pero kelangan kong umastang tao, normal na tao.. pero hndbhin bbguhin ko ung standards ko, nrealize ko kung mahal ka tlga ng isang tao, hndng hnd nya ipprmdm sau na balewala ka, n ng iisa ka, n wala kang kwenta.. hnd mo klngn mgdemand kasi bgo mo pa maisip ung gstomong gawin nya para sayo, nkplano n yun at ready n nyang gawin para sayo.. hnd mo n kelangan humiling, ksi kung mahal k ng isang tao kusa nyang ibbigay yun kse alm nyang ikkasaya mo.. kung mahal k ng isang tao, ipaglalaban ka nya, kahit ano sino o ano pa kalaban nya, kahit milyon milyong distanxa pa yan, kung talagang mahal ka nyan, ipprmdm nya yun sayo..
    kung mahal ka talaga ng isang tao, hindi nya lang iisipin na gusto ka nyang araw araw masaya, ggawin nya yun.. nevre nyang ipprmdm sau na hnd mo xa naalla, lahat ng ways ggawin nya maparamdm lang sau na bawat segundo nasa isip k nya..
  • at kung mahal k tlaga ng isang tao hnd sya ppayag na hindi maging kayo... ubos na fully loaded ko.. uuwe na ko, busog na ko..
  • pauwe na ko, 80% umaasa aq n my message na xa 20% wala...
  • pag pasok ko ng kwarto. shit nnmn! ang kalat!!! nanalo yung 20% wala pa rin xang message..
  • gumawa nlng ako ng blog... ano nngyre sa alak na isa? ayun tinapon ko..
  • ending nito? wala.. binabangungot pa rin ako.. cguro bukas pa ko mggcng sa bangungot na toh..

Saturday, 29 September 2012

Casino

"Ipahiram mo skin yung chips mo,papalaguin ko"

Sige, susugal ako. Hindi nmn ako seryoso, laro lang toh, manalo o matalo madami pang ibang casino, madami pang nakaabang n pwedeng makalaro. -- yan ang sagot ko sa isip ko sa lalaking sumubok ulit ipasok aq sa isang sugal na matagal ko ng tinalikuran.

------------------------------------------

Ang boring ng gabe, tutok ang mata sa laptop, may lumabas sa news feed ng facebook website, may ngpost ng lyrics ng kanta na paborito ko nung elementary pa ata ako, ayos ah, mailike nga! Basa basa ulit sa news feed, bglang my tumunog! My ng chat, killa ko lng sa muka, hindi pa nga yata. Sige bored naman ako, tara chat tayo! Masaya kausap, may kabuluhan, hindi lang puro yabang. Nagyaya sya mgvideo call sa ym, hindi na un uso sakin, skype lang gamit ko, pumyag nmn sya. Mas lalong naging masaya ang usapan! May naganap pa talagang kantahan! Okay 12am na kelangan ko ng magpahinga, pero mas kelangan nya pala ksi sknya 7am na! Oo nga pala magkaiba nga pala kami ng planeta...

Kinabukasan, online nanaman sya (lagi naman pala talaga xang online hindi lang talaga kami ngppansinan) ngpm ulit sya, hanep! Close na agad kami! Tapos kinabukasan pa ulit, ung sumunod pa, ung sumunod pa ulit, sa madaling salita araw araw, walang patid! Magaling din sya dumiskarte, mabilis pero alam kung kelan pepreno para hindi masusubsob. Umamin sya ng nararamdaman, na obvious n obvious naman, ako? Kinikilig na, pero uncertain pa, madami ako kalaro eh, ng eenjoy pa ko pero bigla na lang, hindi inaasahan, hindi ko alam pano, saan, kelan pero sinisigaw na ng puso ko sya na ang nangingibaw! Kelangan ko ng umayaw sa ibang mga kalaro ko, nakakaramdam ako ng isang tunay at seryoso, nakakatakot, nakakakaba pero dinadala ako sa alapaap kapag kausap ko sya. Ligawan na ba? Wala na! Usong uso PBB teens nun, xempre makikiuso na lng kami, engaged agad sa facebook! Pero hindi nga talaga magiging madali ang pumasok ulit sa isang bagay na minsan ka ng sinaktan. Bumalik lahat ng takot! Lahat ng sakit, pero magaling syang gumamot, salita nya pa lang napapakalma na ko. Kelangan ko n talaga mgdesisyon,, masaktan na masasaktan pero sya na ang pinili ko. Nasakanya na lahat lahat ng chips ko, hindi lang pinahiram, binigay ko pa, sige ikaw na bahala.

Lumilipas ang araw, lalong nagkakakilala pati ngiti ng bawat isa alam na kung tunay o made in china. Sa paglipas din ng araw yung pangungulila tumitindi na, yung eagerness na mahawakan kahit man lang sana dulo ng daliri ng bawat isa. Seryoso na nga talaga, level up ang pagpplano sa future, ang pag aalaga sa bawat isa, ang pagmamahal n pinapadama lahat ng level up. Normal kaming magjowa, madalas rn kmi mag away na kawawa ang laptop dahil sya tagasalo ng mga sampal ko. Na halos gusto namin liparin ang isat isa maayos lng lahat. Mga away na napakasimple pero lumalake kasi abnormal akong babae at normal syang lalake na kalma lang lge mag isip. Mga away na nauuwi na rin mnsan sa iyakan pero hindi naman pnbbyaan na tumatagal.

Date? Monthsary? Kiss? Hug? Hatid-sundo effect? Pray? Inuman? Nagagawa din nmin yan! Kahit sa harap lang ng cam lahat, nangingibabaw pa rin yung tunay na pagmamahal. Yung malaking tiwala na binigay sa bawat isa, yung pag asang pinanghahawakan na balang araw hindi na kmi maghihiwalay. Nakakalungkot, nakakamatay pag may mga araw na hindi ko maintindihan kung ano nararamdaman ko, gusto kong magimbento ng teleporter madala ko lang katawan ko kung nsan sya, kahit 30mins lang! Solve na! Kaso wala talaga kundi nganga.

Ngaun,wala na kami sa casino, pero masaya ako na sumugal ako, masaya ako na sya ang kasama ko, masaya ako sa lahat ng ginagawa nya para sakin, sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Ibang klase, hindi kapanipaniwala yung gantong relasyon pero nandito ako, isa sa mga taong nasa pamatay na 'long distance relationship' oo nakakamatay pero salamat magaling syang umalalay!
Masaya ako na may 'tayo'. Masaya ako sa pagmamahal mo, sa pag aalaga mo, sa lahat lahat sayo!

Sayo na chips ko! Panalong panalo na ko :)


Wednesday, 26 September 2012

Soon.

I can’t take you on dates, yet.
I can’t hold your hand, yet.
I can’t be there when you need someone to lay your head on, yet.
I can’t even speak to you with my voice all the time, yet.
I can’t give you kisses every now and then in person, yet.
I can’t look you in the eye and tell you how much I love you, yet.

I will take you on dates, that you’ll hopefully always remember.
I will hold your hand and never let go, soon enough.
I will be there at every up and down you and I will share, always.
I will speak to you, and be enchanted by every word you say back.
I will get you the prettiest pictures for you, because they’ll remind me of you.
I will stare into your eyes and tell you what a blessing you are, every day.
I will be the wife you want, if you’ll have me.

We will be happy together, as long as you still love me.
Stay strong with me, and I promise we will one day soon experience these things together.

Tuesday, 11 September 2012

Paranoia

I crave the feel of your lips against mine. I crave the blissful feeling your skin touching mine.
I wish I could feel your warmth.
I wish I could hear your slow breathing.
I wish you would be laying behind me, tracing things on my back.
I wish I could bury my head in your arms and have you hold me tight. You would slowly fall asleep with me and we would wake up in each others arms.
I would have that best feeling while waking up to your body next to mine.. happy, safe, warm, loved..
But most of all, I just want to feel your presence. I just want to be with you right now.
I want you to hold me and tell me everything is going to be okay. That no matter how many miles were against us I'm the only one holding your heart.
Sh*t! This long distance is really killing me.

Friday, 31 August 2012

PRiNCESSA ng BUHAY ko!


A friend is someone who knows the song in your heart and can sing it back to you when you have forgotten the words.

 Para sa lagi kong ka-duet, sa taga-linis ng suka, taga-buhat, kasama sa lahat ng pain and happiness, kalive-in, kabet, sa nag iisang princessa ng buhay ko! HAPPY HAPPY BIRTHDAY BEBE!!

MARCH 2011 when i first met this lady, sa makati, sabay kami ng aayos ng papers para sa paglipad namin sa englatera, pero ang alam ko malaki ang UK so alam ko talaga hindi kmi mgmeet dito. Pero poof! JULY 16, 2011 sa NORTH FINCHLEY nagkita ulit kami! Nagkasama sa first patayan na part-time job. Sa sobrang pagod last day na bumagsak pa sya sa putikan, nagulat ako, may hawak ako hindi ko xa matutulungan ang tanging nagawa ko lang mabilis na tumingin sa paligid pra tignan kung may nakakita sabay senyas sa kanya ng 'tayo! tayo!' at nguso sa shorts nya na hindi naman maxadong bumaba ;) Akala ko the end na, SEPTEMBER 8, 2011 sa ONTO nandun nanaman xa! Iisang classroom pa! Classmates kami! Mas napadami ang kwentuhan pero hindi pa rin ganun kaclose sa isa't isa. Nagkasama sa isang grupo, naging masaya, shot sa bahay ng isa, ayos! Tropa na talaga! Gumala kami sa Scotland, dun may nakilala xang isang bagong friend, dumagdag sa circle of friends :) Mas napadalas ang inuman NILA, galaan NILA, ako hindi na nakakasama, ewan ko busy pa ata ako nun sa pagppakatanga :p
Pero as the saying goes, walang permanente sa mundo, lalo na dito sa London. Parang weather, unpredictable. Sila na lang ni bagong friend ang madalas magksama, pero ako nakakasama na rin ulit nila. At dun na kami nagsimulang hindi maghiwalay. Kasama na sa lahat ng bagay. Subscriber na sa ewang love story nya (may story nga ba? o may love nga ba?). Mas nakilala ko na yung princessa ko, kung gano xa katigas, mas matigas pa sa rebulto pero weak and soft sa mga taong special para saknya. Unlimited care ang offer nya! San ka pa db? Kaya nyang iendure lahat ng pain na dumadating sa kanya at humarap sakin na parang walang nngyre pero maga ang mata. SUPERWOMAN. Pero i know be gusto mo na tumayo dyan, kaya ngaun birthday mo uulitin ko sayo yung sinabi ko sayo nung bumagsak ka sa putikan. TAYO! TAYO! And this time inooffer ko na yung mga kamay ko pra tulungan kang bumangon. Hindi lang ako titingin sa paligid at kkonsinthin kang magpakadumi jan, gusto kita protektahan, ayoko ng nakikita kang umiiyak. Nagsasawa na ko sa mga lines mo, ayoko na un marinig sayo. I wish you real happiness, renew your heart, and fix all that has been broken. Sobra ako malulungkot kapag iniwan mo na ko pag nagpunta ka na sa Canada pero pag nangyare yun, sobra rin ako magiging masaya para sayo. Gusto ko makasama mo na family mo, may pagllaanan ka ng lahat ng efforts mo. God knows how thankful I am to have you as a friend/sister/lover(hehe). Kung wala ka, hindi ko cguro massurvive ang London. I love you be. Till death do us part. LOL

Ayoko na ng seryoso! Im a tearjerk you know! Basta bebe, HAPPY HAPPY BIRTHDAY! May God always be with us :)

WISH KO RIN PALA YUNG DIET NATIN


JOKE LANG! MASAKIT SA KALOOBAN YANG DIET NA YAN
---
STRONGBOW CHARINGS


SINO MANINIWALANG LASING TAYO JAN?
---
EWAN LOOK


---
SIOPAO & MONAY LOOK



CHUBBY BUT YUMMY YEAH? :))
---
MAGKASAMA NA MAGKASYPE PA
OO, ALAM KO JAN SA PICTURE NA YAN HINDI TAU MAGKSAMA NYAN.
---
KAHIT MADALAS BLOOPER AKO
LOVE MO PA RIN AKO <3
---
MADALAS RIN NA NASA IBANG PLANETA AKO
LOVE NA LOVE MO PA RIN AKO!
---
AT XEMPRE LOVE NA LOVE RIN KITA! 



KAYA PARA SA NAG IISANG PRINCESSA NG BUHAY KO
HAPPY BIRTHDAY BEBE!

YOU DESERVE THE BEST, YOU'RE BEAUTIFUL

You're stupid. You fail.
You're weird. You're not perfect.
But it's ok. I'm like that too :)
Kaya nga siguro tayo magkasundo na magkasundo yeah?
Pati menstrual period natin, sabay na!
We laugh hard at random things.
You laugh harder when i stumble and fall.
We never fight just kiss :*
You're a real princess inside and out
and a princess is only meant for a prince charming.
iloveyou.

i want you to be the happiest on the 2nd! 
HAPPY BIRTHDAY!

LOTS OF LOVE,
Aubrey :) 
(may gusto rin pala sumali,special mention daw xa)

HAPPY BIRTHDAY din daw be!
from : NGELU XD

xxx



Saturday, 28 July 2012

Comatose: A silent suffering

Maybe I was wrong. Wrong at a lot of things. There are a lot of things I should and should not have done. I’d like to think you ended it, but maybe it was me. It had been me for quite some time now. I was making all the wrong moves, I should have just let things go the way they would and not have tried to fight back. I should have just believe it was only a dream and now I already woke up and the reality is in front of me that you're not really the one for me.

I wish I didn’t send that message. I wish I just kept quiet. Maybe you would have done something to reach out by now. But no, I just had to come too strong and crazy mad. I was upset and sick. I’m sick literally, and sick of how you make me feel, sick of all the waiting and the hoping and the wanting. I’m sick of not knowing what to do, what to feel. However, now I’m pretty sure what to do, I have no choice left anyways. I have scared you off, pushed you away for good. All I can do now is let go, move on. I am sorry, so so sorry. I am really sorry for ruining the chance of being with you for the rest of my life. I am sorry for the long distance, for the immature attitude, for all the pain. I wish it would just be as easy as 1,2,3 to keep the friendship and keep you in my life but it's not.

I never really felt like this for anyone before. Not as strongly as this, at least. I’m not sure if this is love, I can never be sure now. All I know is I cared, I cared for you and for the “us” I hoped we could have. Maybe I cared too much. Never had I thought I would feel this way for someone or that someone would ever have me feel this way. As much as I would like to tell myself that it is your loss, I know very that it is mine too. Surely, it is but mine too. Maybe in time, surely not anytime soon, I’ll get over you and there would come another boy to sweep me off my feet. Maybe I’ll be more scared to fall then after all this, but then I hope I still take the risk of falling.

You, oh boy. You will always bring my heart this bunch of hurt and regret every time I’d see your face, hear your name, get updates of you and all those fuckin' memories that we've shared even if it's miles away. Nonetheless, I’d like to believe it was all worth it, we were worth it. I just hope that one day you’d realize that maybe I was worth so much more. On that day, if that day comes, I hope I’m still there to welcome you back open arms and this unfinished business we had perhaps we can reset and start at the good part we left off. I’m wishing you all the best. Always, please always take good care of yourself. Set your goal. I believe someday we will surely meet to end things the right way or probably to start things the right way. I loved you with all my heart and from the deepest core of my existence i secretly believe that we will last forever.

"I've never known a love like this 'til you.. I've never known a love like this so true.. Oh I know that I was born to love you.. I know that I was born for you.."

This love is difficult but it's real or rather should i say this love is real but it's difficult.

Sarap noh? Yummy yan.. ❌❌❌

Thursday, 14 June 2012

11 Questions


Natuwa nanamn ako sa mga nabasa ko at ito ang pinaka napagtripan ko ngaun, hehehehe. Hindi ako nakatag dito pero trip kong sagutan toh habang nalaklak ng whiskey sa mga oras na toh. Mas ngssabi daw kasi ng totoo ang mga taong lasing, un tipong usapang lasing ang datingan ko ngaun. Ninakaw ko toh sa blog ng besplen ko, may pending pa nga akong slambook na dapat sagutan para sa kanya pero mas trip kong unahin to. So pano, sagot na ko,

11 (Wagas) Questions from Jhengpot

1. Anong ibig sabihin ng pangalan mo? (google search muna ako) Of French origin, Aubrey results from the phonetical mutation of Alberic, which is a Germanic given name, meaning "Fair Ruler of the Little People", or "King of the Elves". WOW! infairnes nmn ngaun ko lng nalaman yan! Panlalake pla talaga name ko. Pero ang alam ko nakuha ang name ko sa isang kanta ng The Bread, xempre ang title ay AUBREY dngdagan nlng ng MAE.
2. Kung bibigyan kang pagkakataon pumili ng magiging presidente ng Pilipinas other than PNoy, sino ito at bakit? Xempre iicp ako ng kilala ng nakakarami dbuh? C Mel Tiangco nlng. wala ako iba maisip e' hehehe. sya trip ko bakit ba?
3. Wagas experience mo about love? Wagas ba talaga? Lumuhod lng nmn aq sa harap ng isang lalake habang ung babae nya e nsa likod nya nakatingin samin,nagmamakaawa na ako na lng piliin nya at payag ako maging kabit nya kahit 4 years kmi at pinagpalit nya lang ako. At kahit tinulak tulak nya lang ako at cnbi na 'hindi na kita mahal, sya mahal ko dahil hnd nya ko sinasaktan' pinagpilitan ko pa rin, pero ano nngyre? Aun, cla pa rin hanggang ngaun.
4. Anong kulay ng puso mo ngayon, seryoso, bakit? Lavander. Bakit? Kasi un ang fave ko ngaun.
5. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit? Sa
6. Sinong karass mo, maliban sakin (lol)? si Bruno mars!! Pucha hot nya man!
7. Kung papalitan mo ang pangalan mo, ano ito at bakit? Ayaw. masaya na ko sa name ko pero nttndaan ko nung bata ako Vanessa gsto ko.
8. Anong ginagawa mo pag malungkot ka? Lalo ko pinapalungkot sarili ko. Nakikinig ng mga malulungkot na kanta then afterwards mga inspirational songs naman.
9. Paanong gagawin mo pag nakita mo yung katapat mo sa jeep may nakalabas na kulangot sa ilong? Sasabihin ko, 'ui kyut ng nunal mo, iba kulay' pg hnwakan nya at nkuha nya sabay banat na 'ai ang galing natatanggal'
10. Gaano ka kasarp magmahal (wagas na wagas)? Kasing sarap ko :p yummy ako e
11. Ano ang gusto mong itanong sayo ng mga tao? Masaya ka buh sa buhay mo?


Yun lang muna. Hilo na sa Bells e..

Wednesday, 6 June 2012

ASHLIE ng buhay ko.

Naniniwala ako na ako na ang pinakaswerteng ate sa mundo dahil ikaw ang naging kapatid ko!

June 6, 2003 nung una kita makita sa nursery ng Family Care Hospital, nkalagay sa hinigaan mo 'Boy Diaz'. 12 years ng buhay ko solong anak lang ako, walang kaagaw kaya nung pinagbubuntis ka pa lang ni mama, ayoko ng lumabas ka, pero nung araw na nakadungaw ako sa malawak na nursery room na yun kung san itinuro pa sakin ng lola kung san ka sa mga baby na nakahiga dun at nakita ko yung mala-anghel kong kapatid, nawala lahat ng galit at inggit ko. Hanggang sa makalabas na kayo ni mama ng hospital, gustong gusto na kita titigan at hawakan.
Naalala ko pa isa kong kalokohan, ilang weeks ka pa lang nun, mahimbing na mahimbing tulog mo, binbantayan kita bigla ko napag-interesan pilik mata mo, kumuha ako ng gunting at ginupit ko pilik mata mo. Hehehe. Gumalaw ka ng konte, sabi ko sayo 'wag ka malikot, ginugupit ko pilik mata mo para pag lumaki ka mahaba pilik mata mo' oh dbuh? baliw lang ang ate mo.


Nasubaybayan ko paglaki ng kapatid ko, mula sa unang pagdapa nya, paggapang, sa paborito nyang laruan nung baby pa sya, kung pano nya nadevelop yung pagsasalita nya at maging kung kelan sya tumigil sa pagdede ng gatas. Sya ang naging happiness namin ni mama. 3 na kami sa pamilya, kaya lang dumating nanaman yung time na mababawasan nanamn kmi ng isa dahil kainlangan nanamn umalis ni mama. 3 years old ang kapatid ko ng umalis ulit mama ko, ako at ang lola ko ang naging mama nya. Naalala ko pa date, kapag aalis ako ng bahay, hahabol sya sakin at umiiyak. Napakalambing ng kapatid ko, talo pa mga naging boyfriend ko. Naalala ko date dun sya sa kwarto ng lola ko natutulog at may sarili ako akong kwarto, bihira din nmn ako umuwi nun dahil ngdodorm na ko, so weekends lang ako nasa bahay, sinasbi nya skin lage na dun ako matulog sa kwarto nila ni mama, sabi ko ayaw ko dun na lang sya matulog sa kwarto ko para may katabi ako, ang sagot nya sakin 'kawawa naman si mama,wala sya katabi', kaya ako na lang ang tatabi sakanila.
San ka makakakita ng 5 years old na pwede mo ng iyakan sa hita nya at hahawakan pa buhok mo at sasabhin na 'ate wag kana umiyak' sabay punas ng luha sa mata mo. Oo! Ginawa na yun sakin ng kapatid ko, emo kase ako date (hanggang ngaun nmn pala). Date pag sobrang sama ng loob ko sa kanya lang ako yayakap at iiyak, at napakamusmos ng tanong nya 'ate bakit ka naiyak?' ako naman kwento kung bakit kahit alam ko hindi nya naiintindihan, nakikinig pa rin sya, after nun magiging ok na ko.
Naalala ko rin date, may pagkakataon na umalis kami, sa loob ng sasakyan, antok na antok ako, imbis na sya ang hihiga sa hita ko para matulog, ako pa humiga sa hita nya, kya lang ang liit, nakonsensya naman ako, bumangon din ako.
Knight in shining armor ko din ang kapatid ko, maraming pagkakataon rin na pinagtatanggol nya ko at syempre mas pinagtatanggol ko sya sa lahat, kahit sino ka pa, kung kapatid ko na pag uusapan hindi ka uubra :p
Meron kaming isang pinsan, madalas nya awayin kapatid ko, halos araw araw nya ata pinapaiyak dte, natandaan ko lang pina-worst na nngyre is sobra nyang pinaiyak kapatid ko at sakto wala dun si mama, kami kami lang nandun at yung isa kong tito na di ko na matandaan kung bakit nandun, nagsusulat ako nung narinig ko umiyak ng wagas ang kapatid ko, takbo ako tapos tinanong ko bakit sabi nya 'si Syun..' yun pa lang nasasabi nya tumayo ako, punta agad kay Syun at muntik ko na sya masaksak ng ballpen na hawak ko, buti nandun yung tito inawat ako. Warfreak lang? Hahahaha.

Dumating na mama namin, 3 na ulit kami sa pamilya, may mama na talaga sya, may magtuturo na tama sa kanya, may gagabay na sa totoong paglaki nya, may pagsusumbungan na sya , at ako na ang isinusumbong nyang nagpapaiyak sa knya. hehehe. Pero syempre lambing ko lang yun sakanya. Kulang ang space ng mundo kung ikkwento ko lahat kung gano ko kamahal ang kapatid ko, to think na half brother ko lang talaga sya pero yung love ko sa kanya whole. 8 years ng buhay nya kasama nya ko sa lahat, sa pagtae nya nung hindi pa sya marunong maghugas, sa pagpunta nya sa tindahan pag nagkakapiso sya, sa pagpunta sa bahay nila duday pag bored kami sa bahay, sa school nya, sa field trip, sa mall, sa palengke, sa simbahan, sa lahat lahat! Pwera na lang ngaun, kasi malayo na ko sa kanya at ang bigat sa damdamin man! First birthday nya na hindi ko sya kasama para akong pinapatungan ng graba sa bumbunan. Sa skype ko na lang sya nabati at hindi ko pa sya makausap ng matagal kasi hindi ko mapigilan maiyak!

Bebe ko, ngaung birthday mo at 9 years old kana, ang bilis ng panahon, ikaw pa rin ang nag iisang baby ni ate! Sobra kitang mahal na mahal! Hindi nababawasan.  Lagi ka lang magpapakabait ha? Wag mo ko gagayahin :) Iloveyousomuch and imissyou from the bottom of my heart!

HAPPY HAPPY BIRTHDAY ASHLIE DIAZ! ATE LOVES YOU SO MUCH! XOXO :*

Effective buh paggupit ko sa pilik mata nya? :)

Tuesday, 29 May 2012

CLIMAX

"it's not you, i'ts me."
"i need space."
"hindi na tayo nagkakaintindihan, nagkakasakitan na lang tayo"
"I'm confused. I need time to find myself."
"Kung talagang tayo, kahit magkahiwalay tayo sa ngayon magkikita at magkikita pa rin tayo"

Nasabihan na ba kayo ng mga ganyang salita dte? Yung tipong napuzzled ka at halos gusto mo isumpa yung taong nagsabi sayo nyang mga litanyang yan. Sino hindi pa nasasabihan nyan? Aba! Swerte ka. Hindi ka pa nakakaranas ng madugong break-up

Well, hindi naman ako broken-hearted at the moment pero kasi LSS ako sa kanta ni Usher na CLIMAX. Lahat ng bagay o pangyyre sa buhay ng tao my climax, lahat ng kwento my climax, hindi kasi exciting pag plain lang dbuh? Pero pagdating sa relasyon bakit ang sakit pag umabot na sa sukdulan? Yung laglag ka talaga pag hindi ikaw ang naging bida. Pareho kayo masasaktan pero luge pag ikaw yung mas nagmahal ng sobra. Yung tipong hindi sayo maipaliwanag ng kahit na sino kung bakit bumigay yung love building na binuo nyo. Kapag ba ayaw na nya, aayaw ka na rin dapat agad? O tatawagin mo pa si batman o superman para gumawa ng mga bagay na superhero lang nakakagawa para lang wag ka nya iwan? Sabi nila "Two people need break-up so they can grow up". Meron pa nga "Love is sweeter the second time around" kaya lang ang masaklap kadalasan pag natapos na, wala na talaga, end of the story na. 
Anyway, yaan mo na natikman mo naman sya :p


Sunday, 27 May 2012

HAY Fever!


  1. Repeated sneezing attacks
  2. Runny nose
  3. Watery eyes
  4. Itchy throat
  5. Loss of concentration
  6. General feeling of being unwell
Yan mismo lahat nararamdaman ko ngaun! Additonal homesick na rin kc namimiss ko yung feeling ng may mag aalaga sayo, yung paggising mo may naka ready na hot soup or food remedy para kainin mo, yung may nagrremind sayo na oras n ng inom ng gamot mo, yung feeling ng HINDI ka nag iisa sa sakit mo. Oh dbuh? May sakit na ko, emo pa ko. 

Neozep na lang panlaban ko. At buti na lang maraming stock ng tissue.




I am contagious. 
- VIRUS


Saturday, 26 May 2012

PUYAT ng PUYAT! Paggising BANGAG!

01:48am
Long day kanina. Duty from 11:30am-8pm. Nagreklamong sobrang sakit na ng paa at gusto ng magpahinga. Masakit ang lalamunan, sinisipon pa! Hay fever yata. Pero eto na nga ako, nakauwi ng bahay, tumambay sa garden kasi tirik pa ang araw kahit alas-nuebe na ng gabe, nag-skype sa bagong taong kinakikiligan ko, umakyat sa kwarto, wala ng ka-skype, wala ng kausap pero buhay na buhay pa rin ang diwa ko! samantalang pagod ako. Pumasok na sa isip ko, bakit nga ba ang sarap magpuyat? Yung tipong ipipikit ko lang naman mga mata ko para matulog pipigilan ko pa. Dahil ba off nanaman ako bukas? (pero plano ko magsimba :]) o dahil kaya  gusto ko pa magbrowse sa facebook, pero hindi rin naman kasi tinatamad na ko magfacebook. Siguro dahil gusto ko magblog? (medyo, pero I'm sure wala naman akong matinong magagawa) O sadyang adik lang ako na gustong magpuyat? (Mismo!) Tapos kinabukasan magrereklamo na muka akong bangag.

Nung bata pa ko, sigurado 7pm pa lang tulog na ko, elementary days 9pm na siguro pinakalate,nung highschool ako umaabot na ng 11 or 12, nung nagcollege, ayun na! Para ng may insomia, hanggang sa naging hobby ko na. Kahit wala naman madalas katuturan ang pinagpupuyatan, hindi na mapigilan. Isa lang naman napapala ko sa pagpupuyat :




Eye bags na wagas!