Just lessons learned.

Just lessons learned.

Saturday, 26 May 2012

PUYAT ng PUYAT! Paggising BANGAG!

01:48am
Long day kanina. Duty from 11:30am-8pm. Nagreklamong sobrang sakit na ng paa at gusto ng magpahinga. Masakit ang lalamunan, sinisipon pa! Hay fever yata. Pero eto na nga ako, nakauwi ng bahay, tumambay sa garden kasi tirik pa ang araw kahit alas-nuebe na ng gabe, nag-skype sa bagong taong kinakikiligan ko, umakyat sa kwarto, wala ng ka-skype, wala ng kausap pero buhay na buhay pa rin ang diwa ko! samantalang pagod ako. Pumasok na sa isip ko, bakit nga ba ang sarap magpuyat? Yung tipong ipipikit ko lang naman mga mata ko para matulog pipigilan ko pa. Dahil ba off nanaman ako bukas? (pero plano ko magsimba :]) o dahil kaya  gusto ko pa magbrowse sa facebook, pero hindi rin naman kasi tinatamad na ko magfacebook. Siguro dahil gusto ko magblog? (medyo, pero I'm sure wala naman akong matinong magagawa) O sadyang adik lang ako na gustong magpuyat? (Mismo!) Tapos kinabukasan magrereklamo na muka akong bangag.

Nung bata pa ko, sigurado 7pm pa lang tulog na ko, elementary days 9pm na siguro pinakalate,nung highschool ako umaabot na ng 11 or 12, nung nagcollege, ayun na! Para ng may insomia, hanggang sa naging hobby ko na. Kahit wala naman madalas katuturan ang pinagpupuyatan, hindi na mapigilan. Isa lang naman napapala ko sa pagpupuyat :




Eye bags na wagas!


No comments:

Post a Comment