Just lessons learned.

Just lessons learned.

Tuesday, 29 May 2012

CLIMAX

"it's not you, i'ts me."
"i need space."
"hindi na tayo nagkakaintindihan, nagkakasakitan na lang tayo"
"I'm confused. I need time to find myself."
"Kung talagang tayo, kahit magkahiwalay tayo sa ngayon magkikita at magkikita pa rin tayo"

Nasabihan na ba kayo ng mga ganyang salita dte? Yung tipong napuzzled ka at halos gusto mo isumpa yung taong nagsabi sayo nyang mga litanyang yan. Sino hindi pa nasasabihan nyan? Aba! Swerte ka. Hindi ka pa nakakaranas ng madugong break-up

Well, hindi naman ako broken-hearted at the moment pero kasi LSS ako sa kanta ni Usher na CLIMAX. Lahat ng bagay o pangyyre sa buhay ng tao my climax, lahat ng kwento my climax, hindi kasi exciting pag plain lang dbuh? Pero pagdating sa relasyon bakit ang sakit pag umabot na sa sukdulan? Yung laglag ka talaga pag hindi ikaw ang naging bida. Pareho kayo masasaktan pero luge pag ikaw yung mas nagmahal ng sobra. Yung tipong hindi sayo maipaliwanag ng kahit na sino kung bakit bumigay yung love building na binuo nyo. Kapag ba ayaw na nya, aayaw ka na rin dapat agad? O tatawagin mo pa si batman o superman para gumawa ng mga bagay na superhero lang nakakagawa para lang wag ka nya iwan? Sabi nila "Two people need break-up so they can grow up". Meron pa nga "Love is sweeter the second time around" kaya lang ang masaklap kadalasan pag natapos na, wala na talaga, end of the story na. 
Anyway, yaan mo na natikman mo naman sya :p


Sunday, 27 May 2012

HAY Fever!


  1. Repeated sneezing attacks
  2. Runny nose
  3. Watery eyes
  4. Itchy throat
  5. Loss of concentration
  6. General feeling of being unwell
Yan mismo lahat nararamdaman ko ngaun! Additonal homesick na rin kc namimiss ko yung feeling ng may mag aalaga sayo, yung paggising mo may naka ready na hot soup or food remedy para kainin mo, yung may nagrremind sayo na oras n ng inom ng gamot mo, yung feeling ng HINDI ka nag iisa sa sakit mo. Oh dbuh? May sakit na ko, emo pa ko. 

Neozep na lang panlaban ko. At buti na lang maraming stock ng tissue.




I am contagious. 
- VIRUS


Saturday, 26 May 2012

PUYAT ng PUYAT! Paggising BANGAG!

01:48am
Long day kanina. Duty from 11:30am-8pm. Nagreklamong sobrang sakit na ng paa at gusto ng magpahinga. Masakit ang lalamunan, sinisipon pa! Hay fever yata. Pero eto na nga ako, nakauwi ng bahay, tumambay sa garden kasi tirik pa ang araw kahit alas-nuebe na ng gabe, nag-skype sa bagong taong kinakikiligan ko, umakyat sa kwarto, wala ng ka-skype, wala ng kausap pero buhay na buhay pa rin ang diwa ko! samantalang pagod ako. Pumasok na sa isip ko, bakit nga ba ang sarap magpuyat? Yung tipong ipipikit ko lang naman mga mata ko para matulog pipigilan ko pa. Dahil ba off nanaman ako bukas? (pero plano ko magsimba :]) o dahil kaya  gusto ko pa magbrowse sa facebook, pero hindi rin naman kasi tinatamad na ko magfacebook. Siguro dahil gusto ko magblog? (medyo, pero I'm sure wala naman akong matinong magagawa) O sadyang adik lang ako na gustong magpuyat? (Mismo!) Tapos kinabukasan magrereklamo na muka akong bangag.

Nung bata pa ko, sigurado 7pm pa lang tulog na ko, elementary days 9pm na siguro pinakalate,nung highschool ako umaabot na ng 11 or 12, nung nagcollege, ayun na! Para ng may insomia, hanggang sa naging hobby ko na. Kahit wala naman madalas katuturan ang pinagpupuyatan, hindi na mapigilan. Isa lang naman napapala ko sa pagpupuyat :




Eye bags na wagas!